Ang Unibersidad ng São Paulo (Portuges: Universidade de São Paulo, USP, Ingles:University of São Paulo) ay isang pampublikong unibersidad sa estado ng São Paulo sa Brazil. Ito ay ang pinakamalaking pampublikong unibersidad at ang pinakaprestihiyosong institusyong pang-edukasyon sa bansa, at ang pinakamahusay sa Ibero-Amerika, at may mataas na reputasyon sa buong mundo, na iniraranggo sa posisyong ika-51-60 ayon sa Times Higher Education World University Rankings. Ang USP ay kasangkot sa pagtuturo, pananaliksik at extensyon sa lahat ng larang ng kaalaman, na nag-aalok ng malawak na hanay ng mga kurso.
Ang unibersidad ay itinatag noong 1934.
23°33′41″S 46°43′51″W / 23.5613991°S 46.7307891°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.