Arko

Arko
Huwag itong ikalito sa arka.

Ang balantok, arko, balukay, o alakos ay isang bukas na lugar o butas sa isang gusali na nakakurba ang itaas. Maaaring bilog, katulad ng bahagi ng isang bilog, o patulis, katulad ng dalawang bahagi ng mga bilog na magkatabi. Kalimitang gawa ang balantok ng mga gusali sa maraming maliliit na mga bato, tisa, o bloke ng ladrilyo. Pinipigil ng tinatawag na "susing-bato" ang batong nasa pinakatuktok ng arko ang pagbagsak ng lahat ng iba pang mga batong pang-arko. Nailalagay ang mga arko sa mga pintuan at mga dungawan o bintana.

Maaring kasingkahulugan ng mga arko ang bobeda (o vault sa Ingles), subalit naiiba ang bobeda sa tuloy-tuloy na arko nito na binubuo ang isang bubong. Pinakamaagang lumitaw ang mga arko noong ikalawang milenyo BC sa arkitekturang ladriyo ng Mesopotamia at ang kanilang sistematikong gamit na nagsimula noong mga sinaunang Romano, na ang unang naglapat ng kaparaanang ito sa iba't ibang istraktura.

Mga sanggunian

  1. Gaboy, Luciano L. Arch - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. "vault, n. 2." The Century Dictionary and Cyclopedia Dwight Whitney, ed.. vol. 10. New York. 1911. 6707. Imprenta. (sa Ingles)
  3. "Ancient Mesopotamia: Architecture" (sa Ingles). The Oriental Institute of the University of Chicago. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Mayo 2012. Nakuha noong 16 May 2012. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)