Charlie Puth | |
---|---|
Kapanganakan | Charles Otto Puth Jr. 2 Disyembre 1991 Rumson, New Jersey |
Mamamayan | Amerikano |
Trabaho |
|
Aktibong taon | 2009–kasalukuyan |
Karera sa musika | |
Pinagmulan | Rumson, New Jersey, Estados Unidos |
Genre | |
Instrumento |
|
Label |
|
Website | charlieputh.com |
Pirma | |
Si Charles Otto Puth Jr. (ipinanganak noong 2 Disyembre 1991) ay isang Amerikanong mang-aawit, manunulat ng kanta, at record producer. Ang kanyang unang pagkakalantad ay dumating sa pamamagitan ng pagskita ng kanyang mga cover ng kanta na kanyang in-upload sa YouTube. Pumirma si Puth sa record label na eleveneleven noong 2011 pagkatapos magtanghal sa The Ellen DeGeneres Show, habang sumusulat ng mga kanta at gumagawa ng mga materyal para sa ibang mga mang-aawit.
Kalaunan ay pumirma si Puth sa Atlantic Records at sa Artist Partner Group upang ilabas ang kanyang debut single na "Marvin Gaye" (itinampok si Meghan Trainor) noong 2015. Sa kaparehong taon, siya ay itinampok sa single na "See You Again" ni Wiz Khalifa.
Ipinanganak si Charles Otto Puth Jr. noong 2 Disyembre 1991, sa Rumson, New Jersey, kina Debra, isang guro ng musika na sumulat din ng mga patalastas para sa HBO, at Charles Otto Puth Sr., isang ahente ng real estate. Mayroon siyang dalawang nakababatang kapatid, ang kambal na sina Stephen at Mikaela. Ang tatlo ay may isang Katolikong ama at isang inang Hudyo.