Ang pagtotoro (Kastila: corrida de toros; Ingles: bullfighting) ay isang tradisyonal na palabas sa Espanya, Portugal, timog Pransiya at sa ilang bansa sa Latinong Amerika (tulad ng Mehiko, Kolombiya, Beneswela, Peru at Ekwador), na kung saan isa o marami pang mga toro ay pinapain sa torohan (plaza de toros o bullring) bilang palaro at aliwan.
Ang torero ay ang pangunahing artista sa pagtotoro. Ang sinumang makapaslang sa toro ay tinatawag na maestro at ang kaniyang opisyal na titulo ay matador de toros ("tagapatay ng mga toro"), ngunit ang katagang matador na walang karugtong ay ginagamit lang sa wikang Ingles at di kailanman sa Kastila.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) Naka-arkibo 2010-09-25 sa Wayback Machine.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Espanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.