Ang Rehiyong Valon (Pranses: Région Wallonne) o sa maigsing kataga, Valonia (Pranses: Wallonie; Ingles: Wallonia; Aleman: Wallonie) ay ang nagpa-Pranses na rehiyon sa timog ng Belhika. Susasaklaw ito sa 55% ng lupang teritoryo ng Belhika at 33% ng populasyon ng bansa. Ang "Rehiyong Valon" ay ang katagang nagtutukoy sa pamahalaang pang-rehiyon ng Valonia. Ang malaking bahagi ng Valonia ay pinangangasiwaan ng Pamayanang Pranses ng Belhika sa mga bagay na ukol sa kultura at edukasyon. Ang maliit na pamayanang nag-a-Aleman dito ay bumubuo sa Pamayanang Nag-a-Aleman ng Belhika, at mayroon itong sariling pamahalaan at batasan sa mga bagay-bagay pangkultura.
Ang tawag sa mga mamamayan ng Valonia ay mga Valon (bigkas: ba-LON; Ingles: Walloon). Ang Wikang Valon (Walon) ay isang nagtatanging wika na kapamilya ng Pranses; iba ito sa tinatawag na Pranses ng Belhika (français de Belgique).
Ang kabisera ng rehiyon ay ang lungsod ng Namur, ang pinakamataong kalahkan dito ay ang Lieja (Pranses: Liège) at ang pinakamataong lungsod ay ang Charleroi.