Oscar Niemeyer | |
---|---|
Kapanganakan | 15 Disyembre 1907
|
Kamatayan | 5 Disyembre 2012
|
Mamamayan | Brazil |
Trabaho | arkitekto, disenyador, propesor ng unibersidad, manunulat, politiko |
Pirma | |
Si Oscar Ribeiro de Almeida Niemeyer Soares Filho (ipinanganak noong 15 Disyembre 1907 - namatay noong 5 Disyembre 2012) ay isang Brasilenyong arkitekto. Naging isa siya sa pangunahing tagapagdisenyo ng Brasil. Sa kasalukuyan, kilala siya bilang isang inobador sa kontemporaryong larangan ng arkitektura.
Ipinanganak siya sa lungsod ng Rio de Janeiro, Brasil. Nag-aral siya Pambansang Paaralan ng Sining ng lungsod ng kanyang kapanganakan.
Matatagpuan ang mga halimbawa ng kanyang estilong pang-arkitektura ang sa mga paaralan, mga gusali ng mga tanggapan o opisina, mga ospital, at mga bahay. Naglingkod siya sa komiteng pangpagpapayo ng Nagkakaisang mga Bansa. Isa siya sa pangunahin o punong mga disenyador ng Brasilia, ang bagong kabisera ng Brasil.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Arkitektura at Brasil ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.